Huwag Magpalinlang
Maganda ang hitsura ng lanternfly pero mapanlinlang ang taglay nitong ganda. Itinuturing na peste ang mga lanternfly sa hilagang Amerika dahil namiminsala ang mga ito ng kapaligiran at mga pananim. Kinakain nito ang kahit anong punongkahoy tulad ng puno ng seresa at iba pang punong nagbubunga. Nag-iiwan din ng madikit na bagay ang mga lanternfly na nagiging amag sa mga punongkahoy na kinakain…
Para Sa Isa’t Isa
“Inaalagaan ko siya. Masaya ako kapag masaya siya.” Ito ang sabi ni Stella tungkol sa kanyang asawang si Merle. Ang sagot naman ni Merle, “Masaya ako kapag kasama ko siya.” 79 na taon nang kasal ang mag-asawa. Nang dinala si Merle kamakailan lang sa isang lugar kung saan inaalagaan ang mga matatanda, lubos siyang nalungkot kaya inuwi na lamang siya…
Liwanag Sa Dilim
Nang nililibot namin ng asawa ko ang lugar ng Wyoming, natagpuan namin ang isang sunflower sa gitna ng mabato at tuyong lugar. Kasama nitong tumutubo ang mga talahib at mga matitinik na mga halaman. Hindi man singlaki ng mga sunflower na kadalasan kong nakikita ang bulaklak na iyon, matingkad ang kulay nito. Nagbigay ito ng galak sa akin.
Maihahalintulad ang buhay natin…
Sa Puso at Isip
Dahil sa mga hamong hinaharap ng isang bata sa eskuwelahan, tinuruan siya ng kanyang ama na laging sabihin ito sa bawat araw bago siya pumasok: “Nagpapasalamat ako sa Dios sa paggising Niya sa akin sa araw na ito. Papasok ako sa eskuwelahan para matuto at maging isang lider bilang pagtupad sa nais ipagawa sa akin ng Dios.” Sa pamamagitan nito’y…
Pag-alaala
Tuwing Memorial Day, inaalala ko ang mga nagbigay ng kanilang serbisyo noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig tulad ng aking ama at mga tiyo. Nakauwi sila sa kani-kanilang mga tahanan pero daan-daang libong mga pamilya ang nawalan ng mahal sa buhay. Ngunit kung tatanungin ang aking ama at ang halos lahat ng mga sundalo noong panahong iyon, sasabihin nila na…